Monday, November 12, 2018

#char

Sobrang jologs nito. Pero ok lang. Totoo pala yung sinasabi nila, na darating yung araw na makakahanap ka rin ng katapat mo. 

Pakiramadam ko, after 20 something years dumating na yung araw na yun sakin. Ok, I’m a Gemini, as a Gemini, mabilis akong mawalan ng gana. Mabilis akong mabore sa mga bagay at tao. Pero pagdating sa kanya, hindi ko alam ang nangyari. Unang beses ko palang siyang nakausap, I felt something. Di ko alam kung ano ang itatawag dun. Connection, probably. Spark? Aba, ewan ko na.

Pero sinabi ko sa sarili ko, mawawala rin naman to. Mawawala rin naman siya. Kaya hindi ko nalang masyado pinansin. Funny thing, hanggang ngayon andiyan pa rin siya. At hanggang ngayon, siya pa rin ang gusto ko. 

Iba siya sa lahat. I’m comfortable telling him things. I’m the real me kapag siya yung kausap ko. Ramdam ko kasi na hindi niya ako jina-judge. And vice versa. Hindi ko alam kung hanggang saan to aabutin. Kung bukas paggising ko andiyan pa rin siya. Ang alam ko lang sa ngayon, masaya ako na merong siya. Alam mo yung kahit gaano ka-olats ng araw mo, makausap mo lang siya, solve na lahat? 



No comments:

Post a Comment