Monday, February 11, 2019

To the first guy I fell in love with

To the first (and only *sa ngayon*) guy I fell in love with..

Hi, ako nga pala si Faith. Mahilig akong magsulat, at may pagka hopeless romantic din. At dahil month of love ngayon, magdrama tayo. Hahaha joke lang! I’m a very random person when it comes to writing. Nagsusulat lang ako out of the blue. Kapag nakaramdam lang ako ng medyo strong na emotion. Ok, ang dami ko pang sinasabi eh. 

Habang nakikinig ako sa song ni Ari na “Imagine” bigla ko lang naalala si “First love”. Ayoko pa nga aminin sa sarili ko dati na meron akong first love. Nakaka-cringe kasi! Kidding aside, meron nga.

I met this guy during my college years. He was a fine arts student. Una ko siyang naging classmate sa Filipino subject. Tahimik lang siya. Pero kapag tinawag ng prof, ay, grabe, nakakasagot! Tapos, mataas din ang grades niya. Natuwa ako sa kanya. Pero, hindi ko alam ang pangalan niya. At wala naman akong planong alamin pa. Gusto ko lang kasi mag-aral. Puro aral lang ang nasa isip ko. I was homeschooled kasi, when I was in high school. Personal choice, by the way. Kaya sanay ako na modules lang ang kasama.

Lumipas ang ilang sem, nakita ko siya ulit. Naging classmate ko siya ulit. Sa pagkakatanda ko, sa Religion subject naman yun. Medyo mas nakilala ko pa siya dahil dun. Ang galing niyang artist. Tapos, nagbabanda pa siya. Alam ko bassist siya nung college band niya. He was a mystery to me. A challenge. A riddle. 

Siya lang yung bukambibig ko sa mommy ko. Ok, sa buong family ko. Lagi ko siyang kinikwento sa kanila. I was wishing, na sana mapansin niya ko. Sana maging kaibigan ko siya. Pero sabi ko, mukhang malabo. *plays “Pangarap lang kita by Parokya ni Edgar*. 

Pero, nakakatawa yung tadhana. Nalaman ko na lang from a blockmate na gusto niya ko makausap. My blockmates and I were preparing for a play, para sa major subject namin. Kaya medyo late na kami nakakauwi. Hinintay niya matapos yung practice namin. Nag-usap kami. Hindi ko na maalala yung pinag-usapan namin. Pero ang naaalala ko, nahawakan niya yung kamay ko, dahil sa “magic” na joke niya. Tapos hinatid niya ko sa may sakayan. :) ANG SAYA KO NUNG GABING YAN! :)

I didn’t know how to handle this kind of feeling. It was new to me. I was beyond happy. But I was scared too. Siguro, mas nanalo yung takot. So, everytime I’d see him in school, hindi ko siya pinapansin. Pero hindi ko makakalimutan nung sinabi niya sakin na, “You’re like a breath of fresh air. You make me feel alive.” *Hindi ako sigurado kung yan yung exact words niya ha. Pero ganyan yung ibig sabihin. Lol* He was a bit drunk ata niyan. Kaya nasabi niya yan. 

Dumating yung araw na hindi na kami nag-uusap. May nasabi ata akong mali. I waited for him, for his messages. Hanggang sa isang araw, nakatanggap ako ng text sa kanya. Sabi niya, kalimutan ko na siya. Something happened daw. And I should treat him like a stranger. My goodness! Umiyak ako sa mommy ko. I didn’t know what to say. Ang sakit sa dibdib. Ito yung first heartbreak ko. Sabi ko nalang sa kanya, I understand. Ingat. Something like that. *pinipilit kong alalahanin yung mga exact words, pero hindi ko na maalala talaga :(*

I waited. I kept hoping he would come back. Pero nalaman ko nalang, he is in a relationship na pala. Ito yung second time na nadurog yung puso ko dahil sa kanya. Masakit eh. Ang sakit-sakit. But I had to be strong. 

Lumipas ang mga araw, malapit na akong grumaduate. Pero siya pa rin yung laman ng isip ko. Siya pa rin yung gusto ko. I told myself, kailangan ko siyang makausap for the very last time. Not to win him back. Not to confuse him. Not to destroy anything. Gusto ko lang magpaalam. Tandang-tanda ko pa yung sinabi sakin ni mommy. Sabi niya, sabihin mo lahat, pero magtira ka sa sarili mo. Wag kang mag “I love you” HAHAHAHAHAHA. He is in a relationship, remember. Respect that!

Dumating na yung araw na kakausapin ko siya. Tsong, mas nakakakaba pa to sa oral revalida! Parang ayoko na ituloy. Nanlalamig ako, na nasusuka, na naiiyak. Pero wala eh, andito na ko. Wala ng atrasan. Kaharap ko na siya. Una kong sinabi, ok lang kahit di ka magsalita (pero guys, take note, pag sinabi ng babae na NO it means YES, at pag YES it means NO). Ang sinabi ko lang naman, SORRY, THANK YOU at ikaw yung inspirasyon ko. Good bye. Tapos, wala nga siyang sinabi. At ito yung pangatlong beses na nawasak ang puso ko. Buti hinintay ako ng bestfriend ko. At buti sinundo ako nila mommy. Ang sakit kasi. Ang magagawa mo lang talaga, iiyak yung sakit. 

Lumipas ang taon, at siya pa rin yung gusto ko. Funny thing, I even told myself, kundi rin siya, I’d stay single forever. I’m not good with dates, with birthdays. Di ko nga alam birthday ng mga kamag-anak ko! Pero siya, alam na alam ko. I made sure to always greet him on his birthday. 

Fast forward to 2015. I greeted him on his birthday. And oh my goodness! He replied! We started talking again. Gusto kong sumigaw, tumalon, umiyak, tumawa, dahil ang saya-saya ko. Pakiramdam ko worth it yung ginawa kong paghihintay. We were talking again. We were talking everyday. I was happy. I was smiling again. I was listening to love songs again. I was writing happy things again. Pero, words mean nothing, without action. 

Ok, tinatamad na ko ituloy ang kwento. May next time pa naman, siguro? Point is, naniniwala na ko sa notion na “first love never dies”. He’ll forever have a special place in my heart. But, I don’t wish for him to be part of my life anymore. Masaya ko na nakilala ang isang tulad niya. :)